Alegasyon ni ex-SPO3 Lascañas ukol sa DDS, sisilipin na rin ng CHR

 

INQUIRER PHOTO
INQUIRER PHOTO

Sisilipin na rin ng Commission on Human Rights ang mga isiniwalat ni dating SPO3 Arturo Lascañas sa Senado sa kabila ng naging pabagu-bagong testimonya nito sa imbestigasyon.

Matatandaang makaraang tumanggi sa naunang imbestigasyon sa Senado, inamin kalaunan ni Lascañas na ‘gun man’ siya ng Davao Death Squad at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay sangkot sa mga extrajudicial killings sa Davao City noong mayor pa ito.

Ayon kay CHR Commissioner Roberto Cadiz, kahit na nagkaroon ng bahid ng pag-aalinlangan sa mga testimonya ni Lascañas, labis pa ring nakababahala ang mga isiniwalat nito kaya’t marapat lamang na kanila itong bigyang-pansin.

Magiging bahagi rin ng kanilang imbestigasyon ang mga naunang testimonya Edgar Matobato at ang narekober na buto ng tao sa Laud quarry site noong 2009 na sinasabing mga biktima ng DDS.

Read more...