May palit-ulo sa PNP pero hindi tulad ng sinasabi ni VP Robredo-Dela Rosa

 

Kuha ni Ruel Perez

Kinumpirma ni Chief PNP Ronald bato dela Rosa na may palit-ulo scheme sa PNP.

Pero nilinaw ni Chief PNP Dela Rosa na hindi ito katulad ng palit-ulo na inaakusa VP Leni Robredo.

Giit ni Dela Rosa, maling-mali umano ang bersyon na ito ni Robredo dahil malinaw daw na labag ito sa batas.

Paliwanag pa nito, sa kanilang bersyon ng palit-ulo, sa roas na may mahuli silang drug pusher, ay pakiki-usapan nila ito na ituro kung sino ang kanyang supplier.

Kung maituro ang mas malaking isda, maari umanong mas mapagaan ang isasampang kaso laban sa drug suspek.

Ito aniya ay malayo sa bersyon ni Robredo na sa oras na hindi makita ang pakay na drug suspect ay ang kamag-anak nito ang siyang huhulihin.

Read more...