Hinihinalang salvage victim, natagpuan sa Navotas

 

Police banner
Police banner

Natagpuan nakatali ang kamay at wala ng buhay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa lungsod ng Navotas pasado alas-10:30 Lunes ng gabi.

Ang biktima ay nakasubsob pa sa kalsada sa Galcia St Brgy. NBBS habang nasa likod ang mga kamay at nakatali.

Kinilala ang lalaki na si RJ Saldao 16, yrs old na nakasuot ng gray na tshirt at checkered na short.

Ayon sa ilang saksi, may nakita silang nakamotor sa pinangyarihan ng krimen, bago sila nakarinig ng isang putok ng baril.

Sinasabi rin na kabilang sa tatlong dinampot sa Area-1 Dagat-Dagatan Navotas noong Marso 17 ang lalaki bago natagpuang patay.

Read more...