Inalmahan ni PCA o Philippine Coconut Authority administrator Billy Andal ang ipinalabas na tatlong board resolution ng PCA na nagsususpinde sa kanya sa posisyon.
Petsado ang board resolution noong Marso 15,2017 na tinawag ni Andal na unjust,unfair at oppressive para sa kanya na appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi daw kasi totoong nag-convene ang board at hindi rin muna siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.
Ayon kay Andal, nakapagtataka ang naging hakbang ng PCA board gayung wala namang verified complaint para sana komprontahin niya ang kanyang mga accusers at para ihayag ang kanyang panig.
Batay sa resolusyon ng PCA board, sangkot umano sa corruption ang mga field personnel ng PCA sa ilalim ni Andal.
Giit ni Andal, may maliit na grupo sa loob ng PCA na nagbabalak na mapatalsik siya sa puwesto matapos niyang ipatupad ang mga hakbang kontra katiwalian salig sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikukar naman niyang pinangalanan si Usec Maria Chiara Halmen Reina Apalisok Valdez na umanoy siyang nagmamaniobra para patalsikin sa puwesto.
Ikinabigla naman ng mga kawani ng PCA maging ni Andal nang inanunsiyo mismo sa flag raising ceremony ni Valdez na Hindi na dapat gumanap sa kanyang tungkulin si Andal dahil sa suspension.