Watch: NYC, palalakasin na ang kampanya sa HIV/AIDS sa Abril

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Bilang pagpapakita ng kanyang sinseridad sa kampanya laban sa HIV/AIDS ay sumailalim sa HIV test si National Youth Commission Chair Aiza Seguerra.

Ipinakita pa ni Seguerra habang kinukunan sya ng dugo na bahagi ng proseso ng HIV test.

Ayon sa kanya, mahalagang ipamulat sa taumbayan lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng kampanya kontra sa HIV/AIDS.

Nakaaalarma na kasi ang bilang ng dumaraming tinatamaan ng naturang sakit araw-araw kung saan 15 dito ay pawang kabataan.

Sa Abril ay sisimulan na ng NYC na magbara-baranggay para isulong ang anti-HIV/AIDS campaign.

Magiging katuwang ng NYC sa kanilang adbokasiya ang Philippine Business Sector Response to HIV and AIDS program ng Pilipinas Shell Foundation Inc.

Samantala, ipinaliwanag naman ng kinatawan ng DOH ang proseso ng pagsasailalim sa HIV testing.

Sa loob lamang daw ng 15 minuto ay malalaman na ang resulta nito matapos kunan ng kapirasong blood sample ang isang tao.

Ipinamahagi rin ang libreng condom at lubricant sa mga kawani ng NYC at mga miyembro ng media na nagcobver sa event sa tanggapan ni Seguerra.

 

Read more...