Pinaplano ng grupong KADAMAY na magsagawa ng kilos protesta sa tapat mismo ng main office ng National Housing Authority (NHA) para kwestiyunin ang ihahain na eviction notice sa kanilang grupo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay KADAMAY National Chairman Gloria Arellano, ito na ay usapin ng kriminal na kapabayaan sa pabahay dahil aniya matagal ng nangangailan ng pabahay ang maraming mahihirap na pamilya pero nagiging bingi at pipi lang umano ang NHA.
Dagdag pa ni Arellano na dapat tingan ng gobyerno ang problema sa pabahay dahil dekada na ang problemang ito.
Iginiit din niya na napakabagal ng proseso ng naturang ahesnya kaya napakadaming nakatiwangwang na mga bahay kung saan ilang taon na ay hindi pa rin natitirhan.
Igiinit din ni Arellano na ang patakaran ng NHA ay isang negosyong pabahay kung saan wala namang kakayahan ang kanilang mga miyembro para dito.
Sinabi pa niya na mismong mga taga Bulacan ang mga walang tahanan na mga taga-Maynila na na-recolate sa lugar.
Ayon kay Arellano na dapat unahina ang usapin tungkol sa pabahay dahil personal na lang na problema ng mga politiko ang nangingibabaw hindi ng lipunan.
Binigyang diin ni Arellano na kahit anong hirap ang danasin ng kanilang mga miyembro ay handa nila itong tiisin magkabahay lang sila.