Ayon kay Alvarez, kung tutuusin ay hindi kailangan ang loyalty check dahil kumpiyansa siyang matatag ang supermajority ng kapulungan.
Bukod dito, hindi aniya makaka-first base ang impeachment raps na inihain ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano laban kay Duterte.
Ani speaker, siguradong irerekumenda ng House Justice Committee ang pagbasura sa impeachment complanint.
Pagtitiyak pa ni Alvarez, hindi makakatungtong sa plenaryo ng Kamara ang naturang impeachment complaint dahil panay “hearsay” at walang personal knowledge si Alejano sa mga akusasyon sa pangulo.
Sa panig naman ni House Deputy Speaker Raneo Abu, sinabi nito na pag-aaksaya lamang ng panahon ang planong pagpapatalsik kay Duterte.
Masyado aniyang maraming prayoridad ang Kamara na mas mainam na atupagin kaysa sa impeachment complaint ni Alejano.