Sa ilalim ng uniform light truck ban policy, ang mga truck na may gross capacity weight na 4,500 kilograms pababa ay bawal dumaan sa EDSA-southbound mula 6 a.m. hanggang 10 a.m. para maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko tuwing rush hour sa umaga at at mula 5 p.m. hanggang 10 p.m. sa EDSA’s northbound kung saan karamihan ng mga tao ay pauwi na sa kani-kanilang mga bahay.
Bawal din dumaan sa Shaw Boulevard ang mga light truck sa magkabilang direksyon tuwing rush hour sa mga oras na 6 a.m. hanggang 10 a.m. at 5 p.m. at 10 p.m.
Bago nito, nauna ng nagsagawa ng three-day trial run ang MMDA kung saan mga driver ay binigyan lang ng warning ng mga traffic enforcers.
Ayon naman kay MMDA chairman officer-in-charge Tim Orbos, hindi naman kasama sa ban ang mga light truck na may dalang mga perishable goods pero kinakailangan ng mga ito na mag-apply para sa exemption.
Hindi rin kasama sa ban ang mga government at emergency vehicles tulad ng mg fire trucks at mga ambulansya.
Ipapatupad ang naturang ban mula Lunes hanggang Sabado maliban tuwing Linggo at holiday hanggang June 15.