Matatandaang inaresto at ngayon ay nakadetain sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga isinampa ng Department of Justice.
Walang dahilan aniya ang lahat ng mga alegasyon sa kanya at ito ay may halong politikal.
Dagdag pa ni De Lima na nagbibigay sa kanya ng lakas ang mga panalangin ng kanyang mga tagasuporta.
Aniya ang maling pamamalakad ng administrasyon ni Duterte ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban.
Binigyang din ni De Lima na hindi siya nag-iisa sa laban na ito dahil ito ay laban ng milyung-milyong mga Pilipino na naghahanap ng hustisya at kapayapaan.
Nagkaroon na ng oral argument ang Korte Suprema kaugnay ng kanyang mga kinakaharap na kaso.
Mula ng makulong noong Febuary 24 si De Lima ay patuloy na naglalabas ng mga sulat-kamay na mga pahayag patungkol sa ibat-ibang isyu si De Lima.