Pres. Duterte, aminadong hindi mapipigilan ang China sa pagtatayo ng struktura sa Panatag

 

Inquirer file photo

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya mapipigilan ang China kung nanaisin nitong magtayo ng mga struktura sa South China Sea dahil sa pagiging sobrang lakas nito.

Ang reaksyon ni Pangulong Duterte ay bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag sa pahayag ng alkalde ng Sansha City na balak ng mga itong magtayo ng environmental monitoring station sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

Aminado ang pangulo na hindi niya mapipigilan ang China sa ngayon.

Hindi rin naman aniya maaring magdeklara ng gyera ang Pilipinas laban sa China dahil mauubos ang ating mga sundalo at maging ang kapulisan kung gagawin ito.

“What do you want me to do? Declare war against China? I can’t. We will lose all our military and policemen tomorrow and we (will be) a destroyed nation,

Malaki rin aniya ang naitutulong ng China sa ekonomiya ng bansa.

Gayunman, nangako ang pangulo na darating rin sa loob ng kanyang termino na kanilang pag-uusapan ng China isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea ngunit hindi lang ngayon.

Read more...