Pres. Duterte, itinangging may kinalaman sa planong impeachment ni VP Leni

 

Screengrab RTVM

Mariing itinanggi ni Pangulong Duterte na may kinalaman siya sa planong impeachment kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang tugon sa katanungan ng mga mamamahayag bago umalis patungong Myanmar, sinabi ni Duterte na wala siyang alam ukol sa naturang hakbangin.

” I never did anything and I will not do anything about it. Magtanong na kayo, sige patanungan ninyo, I never lifted a finger against anybody. Tapos na ako diyan. I’m beyond politics…” pahayag ng pangulo.

Giit pa ng pangulo, nais niya lamang na pagtuunan ng pansin ang mga nauna na niyang mga naipangakong tungkulin sa taumbayan sa halip na pamumulitika.

Tuloy rin lamang aniya ang kanyang pagsususmikap na masugpo ang droga at katiwalian sa bansa sa paraang kanyang nakikitang tama.

Kung matanggal man siya sa puwesto habang tinutupad ang pangako, ay handa siyang tanggapin ito giit ng pangulo.

Una rito, inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na isusulong niya ang impeachment laban kay Robredo.

Read more...