Ginamit na pagkakataon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang okasyon ng kanyang pagbisita sa Myanmar at pagharap sa mga Overseas Filipino Workers upang ilatag ang kanyang pananaw sa usapin ng ‘gender equality’ at ‘gender identity.’
Kinastigo ng pangulo ang tila kawalan na ng pagkakaiba ngayon ng babae sa lalake dahil maari nang magpalit ng kasarian ngayon at halos pareho na rin ang maaring gawin ng dalawa.
Nagbabala ang pangulo na ito ay bahagi ng ‘western values’ na ipinipilit na isiksik sa isipan ng mga Pilipino.
“Tingnan mo ang Time magazine ngayon. Wala nang gender, because you can be a he or a she… look at the cover of Time magazine.”
“There is the civil code which is you can only marry a woman, for me, and for a woman to marry a man. ‘Yan ang batas natin…at bakit papasok itong mga gender?” giit ng Pangulo.
“Kung saan ka pinuwesto ng Diyos, diyan ka lang.” Dagdag pa ni Pangulong Duterte.