Ito’y kasunod ng video report ni Robredo sa United Nations Commission on Narcotic Drugs kung saan pinuna ang war against drugs ng Duterte administration.
Sa oras na isulong ni Alvarez ang impeachment laban kay Robredo, sinabi ni Calida na handang-handa ang kanyang opisina na magkaloob ng legal services.
Ayon kay Calida, nauunawaan niya ang pahayag ni Alvarez na marapat na kundenahin ang mistulang paninira ni Robredo sa Pilipinas at mga opisyal na bansa sa UN.
Aniya, pinababa ni Robredo ang kanyang opisina at kanyang sarili dahil sa pagtataksil sa tiwala ng mga tao, at pagsama umano sa mga nasa likod ng destabilisasyon.
Dagdag nito, nagpasulsol si Robredo sa aniya’y ‘Yellow cult’ na balak na sirain si Pangulong Rodrigo Duterte, na kapag nagtagumpay ay magbebenepisyo sa bise presidente.
Nauna nang sinabi ng kampo ni Robredo na walang basehan at iresponsable ang banta ni Alvarez na impeachment kontra sa VP.