Sa dalawang pahinang pastoral statement, sinabi ng CBCP sa mga mananampalataya na ipanalangin na kalabitin ng konsensya ang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan upang bumotong kontra sa panukalang bubuhay sa parusang kamatayan.
Ayon sa CBCP, hindi sila bingi sa iyak ng mga biktima ng heinous crimes.
Pero ang mga biktima at nambiktima ay kapwa kapatid sa pananampalataya at mga anak ng Panginoon.
Hamon ng CBCP sa mga nagkasala, magsisi… habang sa mga mahal sa buhay ng mga biktima, pagmamahal at pag-asa ang alok ng simbahan.
Para naman sa mga tao na ginagamit ang bibliya upang maipagtanggol ang death penalty, iginiit ng CBCP na i-interpret ito ng maayos.
Nauna nang inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4727 sa mismong araw ng Ash Wednesday.
Aprubado na rin ito sa katlo at huling pagbasa sa botong 217-yes, 54-no at 1-abstention.
Pinuri ng Simbahang Katoliko ang limampu’t apat na kongresista na bumotong ‘no’ sa approval sa panukala.