Sa pamamagitan ng sulat-kamay na liham mula sa kanyang piitan, ipinahayag ni De Lima na nabuhayan siya ng loob sa hakbang na ito ng European Parliament na naniniwala na siya ay insonete.
Aniya, ipinaglalaban din nito ang katotohanan at hustisya para sa mahigit 7,000 Pilipinong biktima ng ‘state-sanctioned’ at ‘state-inspired’ extrajudicial killings.
Dagdag ni De Lima, hindi kinukinsinte ng mga may pinag-aralan ang mga kasiningalingan at panlilinlang.
Inaprubahan ng European Parliament ang resolusyong sisiguro ng sapat na seguridad at patas na paglilitis sa Senador. Naniniwala ang mga ito na ang mga kasong isinampa laban kay De Lima ay ‘politcally motivated.’
Hinimok naman ng Malacañang ang European Parliament na huwag na itong makialam sa mga usapin sa Pilipinas. Siniguro rin nito na hindi pulitika ang pinag-ugatan ng mga kasong kinakaharap ni De Lima.
Si De Lima ay nahaharap sa kasong drug trafficking dahil umano sa pagtanggap ng pera mula sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons.