Sa liham na ipinadala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, presidente ng CBCP, aminado ito nahihirapan ang simbahan na ibahagi ang mga aral ng Diyos sa gitna ng ‘culture of death’ na unti-unting kumakalat sa bansa.
Sa kabila nito, nanindigan ang Simbahang Katolika na hindi sila mananahimik at hindi nila hahayaan na magpatuloy nito.
Kasabay nito, hiniling ng CBCP sa ABC na ipagdasal ito sa gitna ng pamamayagpag ng ‘terror’ o takot sa Pilipinas.
Matatandaang inanunsyo ng Austrian bishops ang pagkondena nito paglabag sa karapatang pantao at panunumbalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Ang ABC ang kauna-unahang banyagang Catholic bishops na tumuligsa sa mga kaganapan sa bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte.