SolGen, kinondena si VP Robredo sa mensahe sa UN council on narcotic drugs

robredoNakisama rin ang Office of the Solicitor-General sa nagpahayag ng pagkondena kay Vice President Leni Robredo.

Sa isang pahayag, sinabi ng solgen na naiintindihan niya ang sentimyento ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon sa solgen, marapat lamang na kondenahin si Robredo dahil sa paninira nito sa bansa at sa mga opisyal nito sa harap ng UN Commission on Narcotics Drugs.

Dinusta aniya ni VP Robredo ang kanyang opisina at kanyang sarili nang pagtaksilan nito ang tiwala ng sambayanan.

Binatikos din nito ang pagpapagamit ni robredo sa pagnanais ng mga maka-dilaw para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan siya ang unang makikinabang.

Malinaw na ang reklamador ay sumama na sa hanay ng mga destabilizers.

Handa din aniya ang solgen na magbigay ng legal opinion oras na tuluyang sampahan ng impwachment complaint si Robredo ni House Speaker Alvarez.

Read more...