Isang alkalde sa Batangas, kinasuhan dahil sa pagpapatalsik sa isang barangay captain

Wikipedia
Wikipedia

Kinasuhan ng Sandiganbayan ang mayor ng Laurel, Batangas dahil sa diumano’y pagpapatalsik sa isang kapitan ng barangay para mapalitan ito.

Tinanggal umano ni Mayor Randy James Amo ang kapitan ng Barangay Bugaan West na si Eusebio Bilog noong November 16, 2012 bilang presidente ng Association of Barangay Captains.

Hindi rin umano ibinigay ni Amo ang sahod ni Bilog. Ipinag-utos ng mayor na magsagawa ng eleksyon, kung saan nahalal sa ang kapitan ng Barangay Poblacion 3 na si Severino Endaya Jr.

Gayunman, labag umano sa constitution and bylaws ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ang pagpapatalsik kay Bilog.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Amo at Endaya.

Read more...