South China Sea, posibleng tuluyang makontrol ng China

south china sea woody islandNagbabala si Senior Asscoiate Justice Antonio Carpio na mapasailalim ng kontrol ng China ang kabuuan ng South China Sea.

Ipinahayag ito ni Carpio matapos maisiwalat na nagbabalak ang China na magtayo ng environmental monitoring station sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Aniya, magtatayo ng radar station ang China sa lugar at maaaring magpatupad ng air defense identification zone (ADIZ) sa South China Sea.

Sinabi ni Carpio na gagamit ang China ng HQ-9 missile para ipatupad ang ADIZ. Dagdag niya, nakapaglagay na rin missile ang China sa Paracel Islands sa South China Sea, na inaangkin din ng Vietnam at Taiwan.

Ayon kay Carpio, gumawa na rin ng kahalintulad na proyekto sa Fiery Cross Reef sa Spratlys. Noong 1987, nagtayo ng radar weather station sa lugar para umano matulungan ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa golbal oceanic survey nito.

Gayunman, ginamit ng ito ng China bilang military air-naval base noong 2014 hanggang 2015, ayon kay Carpio.

Ipinahayag ni Carpio na kapag tuluyang ipinatupad ng China ang ADIZ sa Scarborough Shoal, makukuha nito ang 80% ng exclusive economic zone ng bansa at ang kabuuan ng extend continental shelf ng West Philippine Sea, kung saan may sovereign rights ang Pilipinas.

Magugunitang noong 2016, kinatigan ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas sa kaso nito noong 2012 laban sa China na umangkin sa Scarborough Shoal.

Si Carpio ay bahagi ng legal team ng Pilipinas sa mga isinagawang pagdinig sa The Hague, Netherlands ukol dito.

Read more...