Makailang beses na niyanig ng lindol ang Lanao del Sur at Bukidnon ngayong umaga.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang 3.4 magnitude na lindol sa Lanao del Sur kaninag 6:27 ng umaga.
Naramdaman ang intensity 3 sa Wao, Lanao del Sur.
Bandang 7:53 kanina nang muling yanigin ang Lanao del Sur at naitala ang 3.7 magnitude. Naramdaman ang intensity 4 sa Wao, Lanao del Sur at Kalilangan sa Bukidnon. Intensity 2 naman ang naramdaman sa Banisilan, Cotabato.
Bandang 8:52AM, niyanig muli ng magnitude 3.0 ang Lanao del Sur at naramdaman ang intensity 2 sa Wao, Lanao del Sur at Kalilangan, Bukidnon.
Bandang 9:19 nang yanigin ng magnitude 3.6 ang Kalilangan, Bukidnon at naramdaman ang intensity 4 sa Wao, Lanal del Sur at Kalilangan, Bukidnon.
Nabatid na pawang tectonic ang origin ng magkakasunod na lindol.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Wala ring naitalang pinsala sa mga ari-arian.