Isang tindahan ng bicycle supplies, nasunog sa Pasay City

generic sunog(Running story) Tinupok ng apoy ang isang tindahan ng bicycle supplies sa panulukan ng Leveriza at Villaroel streets, Cartimar, Pasay City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Senior Fire Officer 1 Owen Peria ng Bureau of Fire Protection National Capital Region, nagsimula ang sunog kaninang alas 8:55 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy kung kaya agad na itinaas sa ikatlong alarma ang sunog.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP para apulahin ang apoy.

Excerpt:

Read more...