Sa weather bulletin ng PAGASA, nakasaad na ang apat na lugar ay makararanas ng lakas ng hanging aabot sa 61 hanggang 120 kilometers kada oras sa susunod na 24 na oras.
Pinayuhan din ang mga mangingisda na huwag pumalaot dahil posibleng umabot ng mula 4.1 hanggang sa 14 meters ang taas ng alon sa baybayin ng mga lugar na nasa ilalim ng signal number 2.
Nakataas naman ang public storm warning signal number 1 sa mga lalawigan ng isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte. 30 hanggang 60 kilometers kada oras naman ang inaasahang mararanasang lakas ng hangin sa limang lalawigan sa susunod na 36 na oras.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Ineng sa layong 800 km East ng Aparri, Cagayan o 815 km East ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 180 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 215 kilometers kada oras.
Bahagya na itong bumagal at ngayon ay kumikilos ng 23 kilometers kada oras sa direksyong pa-kanluran.
Dahil sa inaasahang pagbagal pa ng bagyo, sinabi ng PAGASA na maaring tumagal pa ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility hanggang sa Linggo at sa Lunes pa ng umaga tuluyang lalabas ng bansa./ Dona Dominguez-Cargullo