Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, sa isinagawa nilang konsultasyon sa kanilang mga chapter leaders, lumitaw na si Poe ang nais ng mga miyembro ng Magdalo na suportahan na kandidato sa pagka-pangulo. “We have conducted extensive consultations among our chapter leaders & she is the preferred candidate for the 2016 polls,” sinabi ni Trillanes.
Sinabi ni Trillanes na sa mga matunog na mga pangalang tatakbo bilang presidente sa 2016, si Poe lamang ang nakikita ng kanilang grupo na maari nilang suportahan dahil sa potensyal nito.
Kasabay nito’y sinabi ni Trillanes na duda siyang mananalo si Binay sa eleksyon. At kung manalo man daw ito ay nakakatakot para sa bansa.
Kinumpirma din ni Trillanes na tiyak na siyang tatakbong bise presidente bilang independent candidate. “I know my place. I’ll run (for VP) as independent,” dagdag pa ni Trillanes.
Aminado naman si Trillanes na hindi buo ang kaniyang kumpiyansang mananalo siya sa pagka-bise presidente, pero ang Magdalo group aniya ay mayroong ‘formula’ para makuha ang loob ng publiko o ng mga botante./ Dona Dominguez-Cargullo