dating Sen. Revilla, nakabalik na sa PNP Custodial center matapos bumisita sa naospital na ama

bong-revilla11Agad na ibinalik sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. makaraang bisitahin ang kanyang amang si dating Senador Ramon Revilla, Sr. sa St. Luke’s Medical Center sa Global City Taguig.

Pinayagan ng Sandiganbayan si Revilla, Jr. na makadalaw sa ama na nakatakdang isailalim sa operasyon ngayong araw sa naturang ospital.

Nauna nang hiniling sa anti-graft court ng batang Revilla na payagan siya na madalaw ang ama mula 6:00 a.m. hanggang 12:00nn ngayong March 18 ngunit nagpasya ang Sandiganbayan First Division na 3-oras lang ang ibigay kay Revilla o mula 6:00 a.m. hanggang 9:00 a.m.

Bandang 5:50 a.m. nang ihatid si Revilla sa St. Luke’s Medical Center at agad din itong ibinalik sa kanyang kulungan bandang alas-9:00 ng umaga.

Si Don Ramon ay naka-confine sa ospital dahil sa “pneumonia and occult gastro-intestinal bleeding.”

Read more...