Hirit ng EU na palayain si De Lima, foreign intrusion ayon sa palasyo

European-Union-Pumalag ang palasyo ng Malakanyang sa hirit ng European Union na palayain na ng gobyerno sa lalong madaling panahon si Senador Leila de Lima na ngayon ay nakakulong sa PNP custodial center dahil sa kasong drug trafficking.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, malinaw na foreign intrusion ang ginawa ng EU.

Ayon kay Panelo, pakikialam na ang ginagawa ng EU at wala itong karapatan na usisain ang panloob na usapin ng Pilipinas.

Una nang inihayag ni Panelo na kinakarma na si De Lima sa kanyang mga naging kasalanan noon.

Read more...