Higit 50,000 bahay, nakatok sa Oplan Tokhang Revisited ng PNP

pnpMahigit sa limampung libong bahay ng mga hinihinalang drug personalities ang naisalalim na ng PNP sa kanilang Oplan Tokhang Revisited.

Nadagdagan naman ng isa ang napapatay sa Double Barrel reloaded na umabot na sa 28.

Sa kabuuan pumalo nasa 55,087 ang mga bahay ang nakatok ng PNP mula nang ibalik ang war on drugs nuong March 6.

Sa ilalim naman ng Oplan Double Barrel reloaded nasa 1,577 na mga drug personalities ang naaresto sa 979 na drug operations na ikinasa laban sa mga high value target at 28 naman mga suspek ang napatay matapos manlaban umano sa mga pulis.

Read more...