Panawagan ito ng human rights watch kasunod ng batikos ng European Parliament at United Nations sa kampanya ng Pilipinas laban sa droga at pagbuhay sa death penalty.
Sa pahayag ay sinabi ng HRW na “well justified” ang mga kritisismo ng EU at UN sa Pilipinas.
Nagpapakita umano ito ng lumalawak na pagkadismaya ng international community sa umanoy pagbalewala sa batas ng gobyerno ni Duterte alinsunod sa anilay “abusive war on drugs.”
Iginiit ng grupo na kailangan ang dagdag na international pressure sa Duterte government kundi ay magpapatuloy ang mga pagpatay.
Binanggit din ng HRW ang babala ng European Trade Commission na banta ang mga polisiya ni Duterte sa mga export ng Pilipinas sa EU na libre sa buwis.
Iginiit naman ng Malakanyang na walang alam at hindi naiintindihan ng international community ang sitwasyon ng peace and order at problema sa droga sa bansa.