Ilan pang housing units sa Bulacan, inukopa ng Kadamay

17373132_10154656905248318_2089158247_oMatapos agawin ang ilang units sa pabahay ng gobyerno sa Pandi Bulacan, ilan pang pabahay ang inokupa ng mga miyembro ng grupong Kadamay.

Nagpilit ang mga Kadamay members na pasukin at agawin din ang mga housing units para sa mga pulis sa bgy. Batia sa bayan naman ng Bocaue.

Nagresulta ito sa ilang oras na standoff o tensyon sa pagitan ng mga militante at mga residente ng PNP housing project na Bocaue Hills.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit walong libong housing units ang naokupa ng kadamay.

Hindi naman nagpatinag ang ilang residente sa PNP housing units kung saan ilan sa mga ito ay nagdala ng mga dos por dos at ibang bagay at pinigilan nila ang pagpasok ng kadamay members.

Dumating naman sa lugar ang dagdag na mga pulis mula sa PNP Provincial Office.

Una nang iginiit ng Kadamay na hindi sila matitinag sa eviction notice ng national housing authority.

Katwiran pa ng grupo, maraming pabahay ang nakatiwangwang lang kahit mayroon ng mga may-ari habang maraming mahihirap ang walang mga bahay.

Read more...