10 sugatan sa pagsabog ng Mt. Etna sa Italy

Mount-Etna-eruption-16-March-2017Sugatan ang sampu katao matapos sumabog ang Mount Etna sa Sicily, Italy.

Umagos ang magma sa snow, dahilan para magkaroon ng violent explosion sa lugar at mag-hagisan ang mga bato sa ere.
Kabilang sa mga nasugatan ay mga crew members ng international media na nakapwesto malapit sa summit ng Mount Etna.

Nagtamo ng mga galos, pasa at paso ang mga nasugatan, at anim sa kanila ang kinailangang dalhin sa ospital. Sa kabutihang palad ay lahat naman ng pasyente ay nasa maayos nang kalagayan.

Ayon sa mga eksperto, ang pagsabog na naganap ay isang phreato-magmatic eruption na nangyayari tuwing tumatama sa tubig ang magma.

Read more...