Bigo ang grupo ng mga tauhan ng National Housing Authority na makapasok sa isa sa mga pabahay sa Bulacan na sapilitang inokupa ng mga informal settlers.
Nilagyan kasi ng nasa limandaang pamilya na karamihan ay miyembro ng grupong Kadamay, ng barikada ang gate Pandi Heights 2 at 3, dahilan para hindi makapasok ang mga taga-NHA.
Dahil dito, kinansela ng NHA ang nakatakda sana nilang dialog sa mga nasabing pamilya.
Ayon kay Kadamay president Gloria Arellano, hindi nila pinayagang pumasok ang NHA dahil mamimili lamang ang mga ito ng pamilya na magiging benepisyaryo ng pabahay.
Sinubukan rin ng NHA na makausap ang mga pamilyang umokupa sa mga pabahay sa Padre Pio at Villa Louise, ngunit bigo rin sila.
Giit ng Kadamay, lahat silang naroon ay nais magkaroon ng libreng bahay, at matagal na silang binabalewala ng gobyerno.