Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Saycon, ibinunyuag niyang aabot sa P90 million ang natanggap ni Aquino mula sa sinasabing mastermind ng pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na si Janet Lim-Napoles.
Ayon kay Saycon, wala namang masama sa pagtanggap ng mga campaign contributions, ngunit ang problema ay ang hindi pagdedeklara nito sa Statement of Contributions and Expenditure (SOCE) sa Commission on Elections (COMELEC) pagkatapos ng halalan, tulad ng ginawa ni Aquino.
Binanggit rin ni Saycon na nasa 11 mga mambabatas ang tumanggap ng campaign contributions kay Napoles, base sa kanilang mga dokumentong nakalap mula 2010 hanggang 2016.
Isa aniya sa mga tumanggap ng kontribusyon na hindi idineklara sa kaniyang SOCE, ay si Sen. Antonio Trillanes IV, na kasalukuyan ngayong nasasangkot sa umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman na makipagbigay ng iba pang detalye si Saycon, dahil isinumite na niya sa DOJ ang mga nasabing dokumento na sisiyasatin pa ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.