Inadopt na kasi ng Senate ang committee report nina Senators Panfilo Lacson at Richard Gordon tungkol sa resulta ng imbestigasyon sa nasabing kaso.
Dahil dito, sinabi ni Sen. Tito Sotto na isusumite na nila ang mga rekomendasyon ng Senate report sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS).
Si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang nag-mungkahi na kondenahin ang kabagalan ng proseso dahil mahigit dalawang buwan na ang lumipas mula nang imbestigahan ng DOJ at PNP-IAS ang mga kaso.
Samantala tiniyak naman ng PNP-IAS na malapit na nilang ilabas ang kanilang resolusyon sa nasabing kaso.
Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na resolusyon ang DOJ tungkol sa kasong multiple murder na inihain ng NBI laban kina Marcos.