Unang inireklamo sa Barangay ang suspect na si Raniel Pariño alyas ‘Puti’ dahil sa pagpapaputok nito ng baril na tumama sa bintana at bubong ng isang residente.
Sa pinagsanib na pwersa ng Taguig City Police Station 2 at 3, inimbitahan ang suspect na sumama sa presinto, pero tumanggi ito.
Nang pasukin na ng pulisya ang bahay ni Pariño para hanapin ang ginamit na baril, tumambad sa kanila ang isang kalibre .45, dalawang magasin, at ilang pirasong bala.
Bukod pa rito ang isang sachet ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa 10 gramo, digital weighing scale at drug paraphernalia.
Nahaharap ang suspect sa mga kasong malicious mischief resulting to damage to property, illegal possession of firearms, illegal discharge of firearms, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon kay Police Sr. Insp. Jonathan Arribe, si alyas ‘Puti’ ay isang high value target na matagal na rin nilang hinahanap.