Barko nasunog sa Batangas City; 3 sugatan sa pagsadsad naman ng sumaklolong barko

Kuha ng Philippine Coast Guard
Kuha ng Philippine Coast Guard

(Update) Idineklara nang fire out ng Bureau of Fire Protection ang sunog na tumupok sa bahagi ng MV Rina Hossana ng Montenegro Shipping Lines sa Batangas City.

Ayon kay Cdr. Raul Belesario, station commander ng Coast Guard Station Batangas dakong alas-7:00 ng umaga nang ganap na maapula ang sunog.

Nahila na rin anya ang nasunog na barko sa Batangas Port.

Sinabi ni Belesario na nasunog ang engine room ng barko at nadamay ang cardeck nito.

Wala naman aniyang nasunog na sasakyan subalit inaalam pa nila ang pinsala na idinulot ng sunog.

Nabatid na galing Calapan Port ang barko at patungo ng Batnagas Port nang magliyab sa bahagi ng Matoco Point sa Batangas City.

Kaagad inilikas ang nasa 88 pasahero nito at nasa ligtas ng kalagayan.

Ligtas din naman ang 26 na crew ng barko.

Samantala, patuloy pa ring inililikas mula sa sumadsad na MV Divina Gracia ang 104 na pasahero nito.

Sinabi ni Belesario na tinangay ng malalakas na alon ang nasabing barko sa Malajibomanoc Island matapos tumulong sa rescue operation sa sister ship nito na nasunog.

Nahihirapan ang Coast Guard na maialis ang mga pasahero dahil sa hindi makalapit ang kanilang barko sa pinagsadsadan at bangka lamang ang kanilang ginagamit dahil sa masyadong mababaw ang nasabing bahagi ng dagat.

Tatlo naman ang nasugatan mula sa nasabing barko.

Kuha ng Philippine Coast Guard
Kuha ng Philippine Coast Guard
Kuha ng Philippine Coast Guard
Read more...