Mga klase sa Malibcong, Abra, sinuspinde dahil sa pambobomba

malibcong mapSinuspinde mula kahapon ang klase sa mga elementary at high school sa lalawigan ng Abra dahil sa mga ulat umano ng bombing operations ng gobyerno laban sa mga komunistang rebelde.

Noong March 12 lamang ay sinalakay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang police station sa Malibcong, Abra na ikinasugat ng limang pulis.

Ayon sa kagawad ng Brgy. Lat-ey, ilang eroplano ang nagbagsak ng mga hinihinalang bomba kahapon ng umaga.
Pagdating ng hapon ay bumalik ang eroplano at nag-planta naman ng mga bomba sa bukirin.

Ayon sa mga residente ng naturang barangay, umabot sa labing-apat ang pagsabog na kanilang narinig, na nagsanhi pa ng sunog sa isang bahagi ng gubat sa Sitio Cubcuba.

Gayunman, sinabi ni Insp. Marcy Grace Marron ng Abra police na wala naman silang natatanggap na impormasyon tungkol sa anumang bombing operations sa Malibcong.

Hanggang March 20 mananatili ang suspensyon sa klase sa mga paaralan sa nasabing lugar.

Read more...