Ginang pinagbabaril sa loob ng sasakyan sa QC

 

Hindi na umabot pa ng buhay sa Bernardino General Hospital ang isang babae na nagmamaneho ng Tamaraw FX na walang-awang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Zabarte Rd., Brgy. Kaligayahan Quezon City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Amy Rose Gazmen, 40 anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng QCPD, habang binabagtas ng biktima ang Zabarte road nang bigla itong harangin ng isang motorsiklo.

Dito na bumaba ang angkas ng motorsiklo at malapitang pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay.

Matapos ang pamamaslang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Read more...