Ayon kay 2Lt. Ashley Mae Del Rosario ng Civil Military Operations (CMO), walang habas na pinagbabaril ng NPA ang nasabing lugar kung saan may presensya ng mga tropa ng gobyerno mula sa 29th Infantry Battalion na nagsasagawa ng development support and security operations o mas kilala bilang Bayanihan Team Activities sa lugar.
Dahil sa takot na madamay, napilitan umanong lumikas sa kani-kanilang mga tahanan ang nasa 357 sibilyan sa Municipal Gymnasium sa nasabing lugar.
Nakansela rin ang pasok ng mga estudyante at guro sa lugar dahil sa pangha-harass ng mga rebelde.
Pinagbabaril rin umano ng mga ito ang ilang bahay sa nasabing barangay.
Kaugnay nito, sinabi ni Lt. Col Glenn Joy Aynera, Battalion Commander ng 29th IB na sa ginawang ito ng NPA ay muli nitong nilabag ang Comprehensive Agreement on Respect to Human Rights and International Humanitarian Law, ang nag iisa at kapwa dokumento na nilagdaan ng GRP at NDF.