Ito ay matapos aminin ng Comelec na wala pa silang magagawang hakbang sa laban sa mga nasabing pulitiko na ngayon pa lamang ay nagpapalabas na ng mga TV ads at nag-iikot sa mga istasyon ng radyo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na sa ilalim ng umiiral na election law, hindi pa pwedeng mapanagot sa premature campaigning ang mga opisyal na mayroong infomercials dahil hindi pa sila maituturing na kandidato hanggat hindi pa naghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Sinabi ni Bautista na nagkaroon na ng pasya ang Korte Suprema sa nasabing isyu.
Pero ayon kay Bautista, bagaman walang nilalabag sa election law ang mga posibleng kandidato sinabi ng Comelec Chairman na nilalabag naman nila ang “spirit of the law”.
“May usapang moral diyan, hindi mo man nilalabag ang batas, nilalabag mo ang spirit of the law. Siguro panawagan din sa mga botante, paraan iyan para manuri kayo kung sino ang mga kandidatong sumusunod sa ating batas,” sinabi ni Bautista.
Isa rin sa posibleng isyu ang paggamit ng pera ng nasabing mga opisyal sa kaban ng bayan para sa pansarili nilang kapakanan.
Sinabi ni Bautista na kung mapapatunayang ginagamit nila ang pera ng taumbayan sa pansariling agenda ay maari silang kasuhan.
“May gray area sa pagpromote ng programa ng kanilang ahensya vs sa promotion nila ng sarili nila sa mga botante,” dagdag pa ni Bautista.
Excerpt: Hindi malinaw sa batas kung may paglabag ng nagagawa ang mga personalidad na naglalabas ng infomercial sa radyo at telebisyon ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista / Dona Dominguez – Cargullo