Reaksyon ito ni Rodriguez sa Banner Story ng Philippine Daily Inquirer kung saan tinukoy ang Kongresista na isa sa 8 opisyal ng Gobyerno na kakasuhan sa ikatlong batch ng PDAF cases na may kaugnayan sa pork barrel scam.
Sa panayam ng programang Banner Story sa Radyo Inquirer, sinabi ni Rodriguez na hindi siya kailanman nakipag-ugnayan kay Napoles.
“We completely and absolutely deny that we are liable (in) this PDAF scam. I have no dealings with Napoles. I don’t know her and any of her employees,” sinabi ni Rodriguez.
Bagaman inamin ni Rodriguez na nailaan niya ang P3.5 million na pork barrel niya sa Technology Livelihood and Resource Center (TLRC) para sa livelihood projects, iginiit ng mambabatas na lahat ng sinasabing lagda niya sa mga dokumentong nakuha ng Commission on Audit (COA) ay pawang peke.
Sinabi ni Rodriguez na nagsumite pa nga siya ng “specimen” ng kaniyang pirma sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang pamemeke ng kaniyang pirma.
“When I got the copy of the 18 documents from COA, I saw that the signatures were all fake,” dagdag pa ni Rodriguez.
Nanawagan naman si Rodriguez kay Justice Sec. Leila de Lima na pag-aralang mabuti ang reokmendasyon bago magpasya.
Nagtataka din si Rodriguez kung bakit hindi man lamang siya pinasagot ng NBI at ng DOJ bago mabuo ang rekomendasyon./ Dona Dominguez-Cargullo