Pinakahuling nagpataw ng preliminary injunction sa naturang hakbang ang Maryland federal court judge na si Theodor Chuang.
Una nang naghain ng reklamo ang American Civil Liberties Union at iba pang immigrant groups sa Maryland federal court na nagsabing ‘discrimanatory’ at anti-Muslim ang travel ban ni Trump kaya’t dapat itong ituring na ‘unconstitutional.’
Bukod dito, pinipigil rin aniya ng ‘revised ban’ ang pagpasok ng mga lehitimong refugees sa Amerika.
Noong nakaraang Miyekrules, nagbaba na rin ng temporary restraining order ang Hawaii court sa revised travel ban ni Trump.
Una nang nagpalabas ng travel ban si Trump noong Enero na layon sanang pigilan umano ang pagpasok ng mga terorista sa Amerika.
Gayunman, umani ito ng maraming pagbatikos mula sa iba’t ibang sektor partikular mula sa mga immigrant groups.