Ang naturang pagkilala ay iginawad sa Changi airport ng mga biyaherong nakilahok sa 2017 Skytrax World Airport Awards.
Kakaiba ang ‘features’ ng naturang paliparan dahil bukod sa pagiging isang palirapan, mistula rin itong pasyalan para sa mga biyahero.
Bukod sa mga eroplano, makikita rin sa Changi airport ang mga butterfly gardens, rooftop swimming pool, sinehan at iba pa.
Bukod sa mga ito, tinatapos na rin ang konstruksyon ng isang 10-level complex na may malaking trail at garden, at isang 40-meter na Rain Vortez na magsisilbing pinakamataas na indoor waterfall.
Samantala, nasa ikalawang puwesto naman ang Tokyo International Airport sa Japan.
Nasa pangatlong ng puwesto naman ang Incheon International Airport sa Seoul, South Korea.