Sinabi ito ni Elsie Trinidad- Manager ng Resettlement and Development Services Department ng NHA, sa hirit ni Kadamay Sec. Gen. Carlito Badion na i-proseso na NHA ang aplikasyon ng mga miyembro nila habang nakatira ito sa mga pabahay ng gobyerno sa Bulacan.
Iginiit ni Trinidad na dapat munang umalis sa mga inokupahan nitong housing units ang mga kasapi ng Kadamay at dapat itong dumaan sa ligal at tamang proseso ng aplikasyon tulad ng iba pang maralitang aplikante.
Paliwanag pa ni Trinidad, paano nila sasagutin ang mga tanong ng humigit kumulang 49 libong aplikante sa pabahay na nagtiyagang sumailalim at naghihintay sa proseso kung pagbibigyan nila ang Kadamay
Aminado naman si Trinidad na hindi pa nila napag-uusapan ang posibilidad ng pagsasampa ng kaso sa mga lider ng Kadamay na pakana ng Occupy Bulacan.