Show ni Kris Aquino sa bagong istasyon, eere na sa Abril

 

Makalipas mahigit isang taon matapos lumiban sa showbiz, lalabas na muli sa telebisyon ang dating presidential sister at binansagang ‘Queen of all Media’ na si Kris Aquino.

Ngunit sa halip nasa dati niyang istasyon na ABS-CBN, sa GMA na lalabas muli si Kris.

Ang naturang programa na sasahimpapawid sa April 9 ay may titulong ‘Trip ni Kris’.

Isa itong two-hour special na magpi-feature ng ibang Kris Aquino ayon sa first-time tv producer ng show na si Rhodora Pascual-Morales.

Umaasa si Morales na magiging positibo ang pagtanggap ng publiko sa kanilang kolaborasyon ni Kris.

Read more...