Ayon sa ulat ng mga otoridad, bigla na lamang nagpaputok ng baril ang dalawang estudyante sa loob ng Tocqueville High School at tinamaan ng bala ang headmaster ng paaralan.
Bukod sa pinuno ng paaralan, nasugatan rin sa pamamaril ang pitong iba pa.
Agad namang naaresto ang isa sa mga estudyante samantalang nakatakas naman ang isa pang suspek.
Narekober sa 17-anyos na suspek ang isang rifle, dalawang handgun at dalawang granada.
Dahil sa pamamaril, nagpakalat ng terror attack warning ang gobyerno ng France sa pamamagitan ng isang phone app upang balaan ang mga estudyante.
Gayunman, inaalam pa kung konektado sa terorismo ang insidente.
Samantala, isa naman ang nasugatan sa pagsabog ng isang ‘letter bomb’ sa Paris Office ng International Monetary Fund (IMF).
Inaalam pa ng mga otoridad kung konektado ang dalawang insidente.