Pagbibigay ng programa sa mga nalulong sa droga, mas dapat bigyang pansin ayon kay VP Robredo

Kuha ni Jomar Piquero
Kuha ni Jomar Piquero

Muling iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi gyera ang solusyon sa pagsugpo sa iligal na droga. Inilatag ni Robredo ang pinaniniwalaan niyang mas nararapat na maging tugon sa suliraning ito.

Sinabi ng Pangalawang Pangulo na dapat pagtuunan ng pansin ang pagdidisenyo ng wastong edukasyong pangkalusugan at psychological-social intervention para sa mga nalulong ng iligal na droga.

Aniya, kailangang matulungan ang mga ito na maging produktibong myembro ng lipunan.

Naniniwala si Robredo na kapag alam ng publiko ang kanilang mga karapatan, mas mapoprotektahan ang bawat isa.

Dagdag niya, dapat din na mabigyan ng ayudang legal at psycholgical ang mga na-trauma dulot ng laganap na extra-judicial killings sa bansa.

 

Read more...