Pinaghati-hatian na umano ng mga lider ng ASG ang 31 mga bihag upang mahirapan ang militar na matugis at marescue ang mga ito.
Ayon kay JTF Sulu Commnder Col. Cirilito Sobejana, taktika ito ng mga terorista para ilihis ang atensyon ng militar at hindi sumentro sa iisang grupo lamang ang pag-atake ng mga sundalo.
Paliwanag ni Sobejana, halos lahat anya ng subleaders ng teroristang grupo, mula kay Aldin Bagadi, Alhabsy Misaya, Idang Susukan at sa senior leader na si Radulan Sahiron ay may kanya kayang hawak na bihag.
Dahil dito, ayon kay Sobejana, kalkulado nila ang bawat operasyon na kanilang ikinakasa laban sa mga bandido upang hindi madamay ang mga sibilyang bihag.
Samantala, nito anyang mga nakalipas na araw puro sa mapuputik na bakawan o mangrove area na nila nakakasagupa ang ASG.
Giit ni Sobejana, sa mga bakawan na napipilitan magtatago ang mga bandido matapos mabulabog ng militar ang mga dati nilang pinagkukutaan sa mga bundok.