‘Greater transparency’ sa gyera kontra droga, pinananawagan ni VP Robredo

Leni RobredoNananawagan si Vice President Leni Robredo ng ‘greater transparency’ sa gyera ng Administrasyong Duterte kontra iligal na droga.

Iginiit ni Robredo na pangunahing kampanya ito ng gobyerno na pinopondohan mula sa kaban ng bayan.

Aniya, dapat na maging tapat ang pamahalaan sa basehan ng gyera kontra droga, at maging parikular sa ano nga bang ang saklaw ang suliraning ito.

Kinwestyon din ni Robredo ang pabago-bago aniyang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa lawak ng problema sa iligal na driga.

Naniniwala ang Pangalawang Pangulo na anumang kampanya kontra droga ay dapat na nakaagkla sa intgeridad o katotohanan.

Hinimok naman ni Robredo ang publiko na kwestyunin kung bakit walang napapanagot sa gyera kontra droga.

Read more...