Robredo dapat ma-impeach sa pag-destabilize sa Duterte Administration

Leni1Nais ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ma-impeach si Vice President Leni Robredo dahil umano sa pag-destabilize nito sa Administrasyong Duterte.

Sa kanyang Facebook account ay sinabi ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III na “last straw” na ang ginawang video ni robredo na naglalaman ng kanyang pahayag sa umanoy extra judicial killings sa gitna ng war on drugs ng gobyerno.

Nakatakdang ipalabas ni Robredo ang video sa Annual Meeting of the UN Commission on Narcotic Drugs sa Vienna, Austria.

Pero sinabi ni Densing na hindi totoo o hindi kumpirmdo ang mga sinabi ng Pangalawang Pangulo sa video.

Dahil anya sa maling propaganda ni Robredo at Liberal Party ukol sa human rights violations at ejk sa gitna ng mga napatay na drug suspects ay naapektuhan na ang ekonomiya at maituturing itong economic sabotage.

Nawala anya sa bansa ang $434 million o P20 billion na halaga ng grant o tulong mula sa Millennium Challenge Corp. na dapat ay nagamit sa mga programa para labanan ang kahirapan sa bansa.

Dagdag ni Densing, nilabag ng Pangalawang Pangulo ang Section 2 Article 11 ng konstitusyon dahil sa umanoy patuloy na tangka nito at kanyang mga kaalyado na isabotahe ang ekonomiya na maituturing na betrayal of public trust.

Read more...