Trillanes, wala nang influence power sa militar para mag-aklas laban sa Administrasyong Duterte

Trillanes-05122015Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na hindi na makakukuha ng suporta sa militar si Senador Antonio Trillanes IV para mag-aklas laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nawalan na kasi ng impluwensya si Trillanes sa mga kasamahang sundalo.

Una rito, sinabi ni Panelo na maari nang makasuhan si Trillanes ng inciting to sedition dahil sa panghihimok nito sa publiko na kamuhian ang pangulo.

Sa ngayon ayon kay Panelo, pinag aaralan na ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of the Solicitor General ang paghahain ng kaso laban kay Trillanes.

Read more...