Truck, inararo ang mga concrete barriers sa Plaza Lawton, Maynila

Plaza Lawton, Maynila 2Inararo ng isang closed delivery truck ang hilera ng mga concrete barrier sa tapat ng Plaza Lawton sa Maynila.

Ayon sa driver ng Isuzu elf truck na may plakang RFM-130 na si Romnick Rueta, nag-lock umano ang kanyang manibela pagka-baba niya mula sa Quezon Bridge.

Magde-deliver sana ng pagkain sa isang fast food chain ang naturang truck.

Sumampa sa gutter at inararo ng truck ang aabot sa 16 na concrete barriers.

Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property.

Nagdulot naman ng matinding traffic sa lugar ang aksidente na umabot hanggang sa bahagi ng Central Market sa Sampaloc, Maynila.

 

WATCH:

Read more...